Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bomba nakalkal sa Rizal

0 81

Tatlong nakalkal na vintage bombs sa dalawang bayan sa Rizal ang sinurender ng dalawang nakapulot nito.

Sa report, ayon na rin kay Rico Bardel, nagpuputol ng puno ng saging ang kanyang anak sa kanilang bakuran sa Brgy. Pinugay, Baras, Rizal nang makita ang dalawang Unexploded Explosive Ordnance (UXO).

Agad nakipag-ugnayan sa Baras Municipal Police Station si Rico kung saan rumesponde din ang Provincial Explosives and Canine Unit (PECU-Rizal).

Ayon sa EOD Technician ng PECU-Rizal, ang mga hinihinalang bomba ay dalawang mortar na may sukat na 81 mm.

Samantala, isa pang vintage bomb na 80 mm round mortar ang nai-turn over ng isang grab driver na si Eduard Castillo sa San Mateo MPS.

Nakita niya ito sa bakanteng lote sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal at ini-report sa pulisya. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.