Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bomba tinanim ng terorista sa Lanao

0 275

NADISKUBRE ng mga sundalo ang tatlong Improvised Explosive Device (IED) sa Sitio Udangon, Barangay Tamporong, Madalum, Lanao del Sur Huwebes, na gagamitin sana ng mga rebelde sa paghahasik ng kaguluhan at pambibiktima.

Sinabi ni WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., na ang dalawang IEDs ay natunton ng mga tropa mula sa 55th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng combat clearing operation dakong kung saan dati nilang nakaengkuwentro ang 20 miyembro ng Daulah Islamiyah/Maute Group.

“Both IEDs were placed on tin cans wrapped with masking tapes. One of the IEDs was buried on the ground while the other one was tied on a tree about 10 meters away from the first,” sinabi ni 55IB Commanding Officer Lt. Col. Franco Raphael Alano.

“The IED buried on the ground is probably a pressure-release type,” dagdag niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang saglit lang ay isa pa ang kanilang namataan na nakatali sa puno, may limang metro ang layo mula sa unang dalawang natagpuan.

Agad naman nila itong ipinagbigay alam sa Explosive Ordinance Disposal Team para maalis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.