Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Chinese, 1 Pinoy timbog sa kidnapping

0 84

Nalambat ng Intel operatives ng Pasay City Police ang tatlong Chinese nationals at isang kasabwat na Pinoy sa pagdukot sa kapwa Chinese kapalit ng P300K, Biyernes ng gabi sa Aseana City, Business Park, Parañaque City.

Sa report mula sa tanggapan ni PBGen. Jimili Macaraeg, Southern Police District (SPD) Director, nakilala ang mga suspek na sina Zhao Lingdi, 24; Feng Xialong, 31; Hao Zhengdong, 40, at Aaron Montenegro y Adalia, 40, na nakakulong ngayon sa Pasay City Detention Management Unit.

Ayon sa report, dinukot ang Chinese na si Chen Yuansen, 21, ng mga suspek sa Sea Escape CCP Complex, Barangay 76, Zone 10, Pasay City noong October 2, 2021 at itinago sa POGO Company sa l Williams St, Pasay City.

Ayon kay PBGen. Macaraeg, humirit ang mga suspek ng ₱300K para sa kalayaan ng biktima at kung hindi ay papatayin ito.

Nakatawag ang biktima sa kaibigan na si Jin Zhongguo at nangakong magbibigay ng ransom money sa mga suspek ngunit nakipag-ugnayan din ito sa pulisya na agad nagsagawa ng entrapment operation.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang unit ng Toyota Hi Ace Commuter van na may plakang NEF4546 na nakarehistro sa isang Chinese national na Hui Zhang.

Iniimbestigahan ng Pasay Police kung may kaugnayan ang may-ari ng sasakyan na si Zhang at kung ano ang iba pang motibo sa pagdukot. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.