Abante Tonite Interactive

3 Chinese POGO bugaw nalambat

218

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Chinese national na sinasabing nasa likod ng pagpapasok sa bansa ng mga babaeng Chinese prostitute.

Kinilala ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang mga Chinese national na sina Liang Feng, Lu Fu Xing at Chen Xun Bo.

Ang tatlo ay naaresto sa isang entrapment operation sa isang five star hotel and casino sa Pasay City.

Nalaman na kasama sa mga naarestong Chinese ay nagsisilbing manager ng grupo at ang mga tauhan nitong bugaw.

Karamihan umano sa kliyente ng grupo ay mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO).

Ginagawa umano ang transaksiyon sa pamamagitan ng online kung saan dito iniaalok ang serbisyo ng mga Chinese prostitute.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at iba pang kaso ang mga suspek sa Pasay City Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)