Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Chinese timbog sa P863M shabu

0 123

Arestado ang tatlong Chinese national na nakumpiskahan ng P863,600,000 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Novaliches Police Station 4 sa buy-bust operation sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City kahapon.

Kinilala ang nadakip na sina Wille Lu Tan alyas Chen Bien, 42; Antong Wong alias Wang Zhong Chun/Wang Min, 28, at Chen Zhin, 79, pawang Chinese.

SM food to go Banner Ad

Nadakip ang mga ito alas-10: 30 ng umaga sa Magsaysay St., Barangay San Bartolome, Novaliches, kung saan nakumpiska sa kanila ang 127 kilos ng shabu na nakalagay sa isang vaccum sealed na plastik na lalagyan ng mga tsaa at may tatak na Chinese character.
Sinabi ni Director Adrian Alvarino, hepe ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) na ang mga suspek ay miyembro ng malaking transnational syndicate na sangkot sa bentahan ng shabu sa bansa.
Inihayag naman ni PNP Drug Enforcement Group Director Police Brig. General Remus Medina na patuloy ang ginagawa nilang pag-monitor at operasyon laban sa mga high value target ng iligal na droga. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.