Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Chinese timbog sa pagdukot ng kababayan

0 89

Pinosasan ang tatlong Intsik at kasabwat nilang Pilipino matapos nilang dukutin at hingian ng P300,000 ransom money ang isa nilang kababayan sa Pa­say City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Zhao Lingdi, 24, Feng Xialong, 31, Hao Zhengdong, 40; at Aaron Montenegro, 40.

Sa ulat, dinukot at dinala umano ng mga suspek ang biktimang si Chen Yuansen, 21, sa Sea Escape CCP Com­plex, Barangay 76, Zone 10, Pasay City noong Oktubre 2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagbanta umano ang mga suspek na papatayin siya kapag hindi siya nag­bigay ng P300,000.

Tinawagan ng biktima ang kaibigan niyang si Jin Zhongguo na nagkunwari namang ipadadala ang ransom money para makalaya ang biktima.

Pero nakipag-ugnayan pala si Zhongguo sa Pasay City Police na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek sa isang entrapment operation sa harap ng Aseana Hotel sa Aseana City, Business Park, Parañaque City noong alas-8:30 Biyernes ng gabi. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.