Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Cotabato pari tsugi sa COVID

0 223

Tatlong paring Katoliko na sa Cotabato City ang ginupo ng Coronavirus Disease 2019.

Kaya naman pinaalalahanan ni Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang mga residente ng lungsod na patuloy na sundin ang minimum health protocols.

“Please stay safe Cotabateños,” sambit ng alkalde sa kanyang Facebook page, Linggo ng hapon.

Nasawi sina Fr. Loreto Sanoy, 78, at Fr. Rex Bacero, 52, noong Biyernes ng gabi at Sabado ng madaling-araw, ayon sa pagkakasunod. Ang dalawa ay mga miyembro ng Diocesan Clergy of Cotabato (DCC).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kanilang mga na-cremate na labi ay nasa loob na ng mga urn at nasa musoleo na ng Archdiocese of Cotabato.

Samantala, Linggo ng hapon namatay si Fr. Eliseo Mercado, 72, ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) congregation at dating Notre Dame University president.

“It pains me upon learning that Father Eliseo Mercado is now in the hands of the Lord. He was like a father to me,” ayon kay Guiani-Sayadi.

Sa ngayon, may 35 aktibong kaso ng COVID-19 sa Cotabato. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.