Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Todo Covid test ni Al Chua aprub

0 317

Hindi na kailangan ng players ng insurance kontra COVID-19 kapag nagsimula ang workout.

Isa sa concern ang senaryo na posibleng dapuan ng coronavirus ang players habang nagpapa-kondisyon sa bubuksan nang practice facilities.

“Sasagutin ng teams lahat ng hospital expenses ‘pag nagka-COVID ang players,” paniniguro ni commissioner Willie Marcial. “Just like when players get injured. There’s no need for any insurance.”

Biyernes kinausap ni Marcial ang coaches at team managers para ilatag ang health guidelines na mahigpit na ipapatupad sa balik-workout.

Kinabukasan Board of Governors naman ang pinulong ng Commissioner.

Sa mungkahi ni Ginebra governor Alfrancis Chua, inaprubahan ng Board na i-upgrade ang testing. Magiging rapid-swab-rapid na ang testing tuwing ika-10 araw.

Gagamitin ang San Miguel Corp. lab sa tests pero sasagutin ng teams ang pagpapa-test.

Workout lang ang pinayagan, hindi pa puwede ang contacts.

Sa August, muling magre-request ang PBA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na payagan na ang scrimmage. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.