Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 curfew violator tiklo sa dalang shabu

0 229

Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos mahuling pagala-gala sa kalsada sa oras ng curfew at mahulihan pa ng pitong plastic sachet na naglalaman ng shabu sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na sina Romeo Caranto, 27; Jimboy Montez, 20; at Jerry Dacara, 40, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at City Ordinance No. 45 curfew.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), inaresto ang mga suspek alas-10:30 Sabado ng gabi sa kahabaan ng P. Narciso St., Brgy. Corazon De Jesus nang magsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Pasadena Sub-Station 4 ng anti-criminality at implementation ng curfew makaraang maispatan ang mga suspek na nasa kalsada pa.

Agad na sinita at inaresto ng pulisya ang mga suspek. Nang kapkapan, nakitaan sila ng pitong plastic sachet na naglalaman ng 0.5 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P3,400.

Nakakulong ang mga suspek sa San Juan detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.