Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dabarkads ginapos saka niratrat

0 120

Nagsagawa ng mas malalimang imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa hinihinalang summary execution ng tatlong biktima na itinali na parang mga baboy at pinagbabaril sa Polomolok, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Endencio, 25, ng Purok 1, Barangay Lapu; at Eros James Benosa, 18; at Carlyn Loyd Huelar, 22, ng Purok 6, Barangay Sulit sa nasbaing bayan.

Sinabi ni Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok Municipal Police Station, itinali ang mga biktima na parang baboy at may mga tama ng bala ng baril.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay kahapon ng umaga sa Purok 2, Barangay Sulit.

Sinasabing huling nakita ang mga biktima ng mga kaanak na umalis sa Barangay Sulit noong Linggo ng umaga sakay ng motorsiklo.

Dagdag ni Orcajada, papunta sana ang mga ito sa isang resort sa Tboli.

Una silang ini-report na nawawala nang hindi makauwi ng Linggo ng gabi.

Nakita ang kanilang mga labi ng mga nagmalasakit na residente at saka sila kinilala ng mga kaanak.

Sinabi ni Orcajada na may sinisilip na silang anggulo sa pagpatay maging ang mga posibleng suspek pero hindi muna ito binanggit.

Subalit sinabi rin ni Orcajada na posibleng napagkamalan umano na mga “asset” ang tatlong biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.