Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dalaga kulong sa yosi

0 95

Swak sa kulungan ang tatlong dalaga nang tangkaing palusutin ang 204 kaha ng sigarilyo sa isang shopping mart sa Malabon City kamakalawa.

Kinasuhan ng qualified theft sina Jacqueline Jose; at mga taga-Barangay Concepcion na sina Myca Veronica, 26-anyos, at Razna Sanglitan, 26.

Si Jose, 21, ng Barangay Tinejeros ay cashier ng Jemms Shoppers Mart, na nasa Gov. Pascual Avenue, Barangay Acacia.

Sa ulat ni P/SMSg. Julius Mabasa ng Station Investigation Unit, alas-6:00 ng gabi, inutusan daw ni Veronica si Sanglitan na pumunta sa Jemms at kumuha ng mga sigarilyo.

SM food to go Banner Ad

Si Veronica ay dating supervisor ng nabanggit na shopping mart.

“Itong si Jose may naka-ready nang karton para lalagyan nong ipupuslit nilang mga sigarilyo at hindi na ipinunch sa kaha saka tuloy-tuloy nang lumabas,” ani Mabasa.

Hinarang ng guwardiya ang suspek.

Nang walang maipakitang resibo, dinala sa opisina si Sanglitan hanggang sa umamin na ito na kasabwat sina Veronica at Jose sa pagpupuslit ng mga sigarilyo na nagkakahalagang P26,700. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.