Abante Tonite Interactive

3 dangerous roads to centralized power

By
1,190

Sa kabila ng pagsisiguro ng Malacañang na walang balak si Duterte na makinabang kapag nagkaroon ng bagong sistema ng gobyerno, napakahirap paniwalaan ito lalo na at nagmula sa isang pangulong ilang beses nang hindi tumutupad sa kaniyang mga salita at nililinlang ang publiko. Lalong pagdududahan ngayon ang intensyon sa pagbabago ng sistema ng gobyerno matapos palutangin ng kaniyang mga kaal­yadong lider sa Kongreso ang posibleng pagpapalawig ng termino ni Duterte para sa transisyon ng gobyerno.

Paano naman makukumbinsi ang taumba­yan sa malinis na intensyon ng pagbabago ng sistema ng gobyerno kung lahat ng kilos ng administrasyon nga­yon ay patungo sa ‘centralization of power’ o pagpapalakas ng ehe­kutibo partikular na ng mga kapangyarihan ng pangulo. Sa tatlong inilutang na daan ng pagbabago sa sistema ng gobyerno, lahat ng kapangyarihan ay nais i-centralize sa tanggapan ng pangulo.

Una na diyan ay ang Revolutionary Government (RevGov) na iginigiit ng mga appointees at kaalyado ni Duterte. Sa ganitong ayos, siguradong si Duterte ang magiging pinuno. Nang pumalya ang RevGov, binalikan ang Martial Law. Matapos ang isang taong pagpapalawig ng Martial Law sa Min­danao, ang inilulutang naman ngayon ay ang pagsasailalim sa buong Pilipinas sa Martial Law. Nakita naman natin sa ating kasaysayan kung paano inabuso ang Martial Law upang maghari ang isang diktador.

Ngayon naman, pinakikilos sa Kongreso ang Charter change (Cha-cha) upang mapalitan ang sistema ng gobyerno mula unitary tungo sa federal system of government. Nakasaad sa Cha-cha resolution na magkakaroon ng legislative power si Duterte habang hindi pa nagko-convene ang ‘susunod na Kongreso’ sa ilalim ng federal go­vernment. Ibig sabihin nito, puwede siyang maglabas ng mga presi­dential decree at magpasa ng batas na hindi na kailangan apruba­han ng mga mambabatas. Muli ang tawag dito ay centralized power­ dahil lahat ng gustong batas ni Duterte ay siya na mismo ang gagawa at lahat ng mga nais niyang mangyari ay mangyayari sa ayaw at sa gusto ng samba­yanang Filipino.

Kahit ano sa tinatawag kong ‘three dangerous roads’ na ito ang daraanan ng administrasyon, magkakaroon si Mr. Duterte ng push button sa kaniyang mesa para sa kaniyang matagal nang ambisyon na ‘centralized power’.