Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-day old baby todas sa COVID

0 77

Isang 3-araw gulang na sanggol ang namatay matapos magkaroon ng komplikasyon sanhi ng coronavirus disease sa bayan ng Maribojoc, Bohol.

Ayon kay Maribojoc Mayor Romulo Manuta, ang bagong panganak na sanggol na pinakabatang biktima ay namatay nitong nakaraang linggo, tatlong araw matapos itong ipanganak sa isang pribadong ospital sa Tagbilaran City.

Sumailalim sa cesarian operation ang sanggol na nasa 8-buwan pa lamang sa sinapupunan ng ina.

Dahil premature, hindi naging maganda ang kondisyon nito, paliwanag pa ng alkalde.

Isinailalim naman swab test ang sanggol bilang patakaran sa mga ospital gayundin ang mga magulang nito at lumabas na negatibo sa COVID ang resulta ng swab test ng mga magulang ng baby.

SM food to go Banner Ad

Ang pagkamatay ng sanggol ay una nang kinumpirma ng Bohol Inter-Agency Task Force bilang ika-20 COVID-19 fatality sa lalawigan ng Bohol.

Nitong Disyembre 2020 ay isang 6-buwang gulang sanggol din ang nasawi dahil sa nasabing virus sa Simeon Torribio Memorial Hospital sa Carmen, Bohol, ayon kay Bohol Inter-Agency Task Force spokesperson Dr. Yul Lopez.

Ang babaeng sanggol na mula naman sa bayan ng Sagbayan ay namatay dahil sa gastroenteritis na may severe dehydration. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.