Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dedbol sa nakainom na SUV driver

0 43

PATAY ang tatlo katao habang dalawa pa ang sugatan matapos humataw ang sinasakyan nilang Sport Utility Vehicle (SUV) sa poste ng kuryente sa Tuguegarao City noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, sa ulat ni police officer P/Lt. Franklin Cafirma, kinilala ang namatay na sina Alvin dela Cruz, ng Sto. Niño, Cagayan; Kenneth Maggay, ng Tuguegarao City at Patrick Desuasido, tubong Bicol.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Cafirma, nasa impluwensiya ng alak ang driver ng SUV na si Rowel Bambilla nang maganap ang sakuna.

Sa lakas ng impact, natumba ang poste ng kuryente na dumagan sa isa pang konkretong poste ng Cagayan Electric Company 1 na dumagan naman sa dalawang nakaparadang kotse.

Dito, tumama ang katawan at ulo nina Dela Cruz, Maggay at Desuasido sa matigas na bagay ng SUV sanhi ng kanilang kamatayan.

Si Bambilla at isa pa ay agad na isinugod sa pagamutan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.