Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dedo sa sumalpok na kotse

0 148

Apat katao ang patay habang dalawa ang kritikal sa aksidente sa kalsada sa magkahiwalay na aksidente sa Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina Daniel Dunluan Jr, 22; John Lester Nadorata, 21; at Mark Daniel Cayabyab, 23 habang kritikal sina Jersonbob Cruz, 22; at John Tereckson Saylon, 22.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat pulisya, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente habang sakay ang mga biktima sa isang Toyota Corolla Sedan na minamaneho ni Cruz, at binabagtas ang direksiyon ng Imus City galing sa Palapala at paglagpas ng Phoenix Gas station nang nawalan umano ng kontrol sa brake at sumalpok sa isang kongretong center island sa kalsada.

Samantala, sakay naman ng kanyang motorsiklo si Rommel Malinao, 39, habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Tanzang Luma 2, alas-12:25 kahapon ng madaling-araw at patungo sa north direction, nang nahulog ito sa kanyang sasakyan saka tumama sa poste.

Pero ayon sa Imus City Police, dahil sa nakainum ay nakaidlip umani ito habang nagmamaneho. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.