Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dekadang nagtago, wanted sa Cagayan timbog

0 337

MATAPOS ang tatlong dekadang pagtatago sa batas, naaresto sa Bulacan ang isang lalaki na matagal nang wanted sa Cagayan Valley.

Nagsagawa ng operasyon ang PNP Cabatuan at Isabela Police Provincial Office nitong Huwebes kung saan naaresto nila sa Balagtas, Bulacan si Rogelio Garduque, 59.

Si Garduque ay wanted sa kasong double murder na nangyari noong August 16, 1988.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Police Cpt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, na dalawang tao sa Claveria ang namatay dahil sa pamamaril ni Garduque, na dating kasapi ng Integrated National Police.

Si Gardue ay nasa Top 4 ng most wanted sa regional level at nagtago umano sa loob ng 33-taon bago nahuli.

Hawak na ng PNP Cabatuan ang suspek at ipapasa sa “court of origin’ sa oras na matapos ang pagpoproseso dito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.