Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dinampot sa ilegal na kahoy

0 66

Kulong ang tatlong katao matapos silang mahuli sa aktong nagbyabyahe ng mga ilegal na kahoy sa Barangay Pag-asa, Echague, Isabela, ayon sa Police Provincial Office 2 (PRO2) kahapon.

Ayon sa PRO2, sa ulat ng Echague Police Station (EPS), kinilala ang mga suspek na sina Pedferlyn Salvador, 47; Gilbert Domingo, 37; at Jomar Adzuara, 25, pawang mga taga-Barangay Villa Bello sa bayan ng Jones sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni PRO2 information officer P/Lt. Col. Andree Abella, nagpapatroya ang mga EPS nang maaktuhan ang isang dump truck na may plakang BAF-857 na puno ng mga nilagareng kahoy.

Related Posts

Dito, agad na sinita ang mga suspek at nalamang walang kaukulang dokumento ang mga kahoy matapos madiskubre na expired ang mga dalang permit at dokumento.

Sa ginawang operasyon, nakuha ng mga awtoridad ang 157 piraso ng mga nilagareng kahoy na umaabot sa 1,751 board feet at tinatayang nasa P70,000 ang halaga.

Agad naman na dinala sa EPS ang mga nakumpiskang mga kahoy, maging ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 705 o ang Revised Fores­try Code of the Philippines. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.