Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 dinukot na LGBT, 1 pa natagpuang bangkay

0 143

Masusi na ngayong iniimbestigahan ang motibo sa pagpatay sa apat na katao na natagpuang naaagnas na sa isang liblib at mabangin na lugar sa Tagaytay City sa Cavite.

Tatlo sa mga biktima ay mga miyembro ng LGBT community na dinukot ng mga armadong lalaki noong Disyembre 2020.

Unang nakita ang dalawang bangkay kahapon, Jan. 12 at pagbalik ng mga imbestigador sa crime scene nitong Miyerkoles ng umaga ay dalawang bangkay pa ang nakita nila, ayon na rin sa naunang report.

Nadiskubre ang mga bangkay ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways na nagsasagawa ng routine maintenance matapos umalingasaw ang mga ito.

SM food to go Banner Ad

Nakilala ng mga kaanak ang unang dalawang bangkay dahil sa mga tattoo sa katawan, na may mga palayaw na Nicole at Erika, kapwa mga miyembro ng LGBT, habang nakumpirma ang isa pang bangkay na si alyas RR, isa umanong konsehal ng barangay sa Bacoor.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikaapat na biktima na nakabalot ng packaging tape at may mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa kapatid ni Erika, Disyembre 19 pa nawawala ang kanyang utol kasama si Nicole matapos kunin ng mga nagpakilalang mga awtoridad sa lugar nila sa Bacoor.

Nakontak pa raw si Erika ng isang kaibigan ng kanyang kapatid madaling-araw ng Disyembre 19 matapos siyang dukutin kung saan sinabi ng biktima na tatlo silang LGBT member ang dinukot.

Samantala, nanawagan ang kapatid ni Erika sa tatlong kabataang lalaki na kasama ring dinukot ng mga armadong kalalakihan pero agad ding pinakawalan na makipagtulungan para mabigyan ng hustisya ang kanyang kapatid. (Issa Santiago/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.