Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 drug pusher laglag sa Pasay

0 119

Di umubra ang tikas ng tatlong kalalakihan nang makorner ang mga ito ng pulisya matapos mabistoang pagtutulak nila ng pinagbabawal na gamot sa lungsod ng Pasay.

Sa report, ayon na rin sa ulat ni Agent IA3 Romeo Matias Jr. kay PDEA-SES Regional director Rogelito Daculla na isinumite kay PDEA director general Wilkins M. Villanuva, ang tatlong nahuling drug pusher ay kinilalang sina John Francis Marayag Pagsanhan, 27; Christopher Jake Saulog, 31, at John William Torres Pascua, 31-anyos.

Matapos maaresto, ang tatlo ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska rin ng pulisya sa nasabing operasyon ang tinatayang isang kilo ng shabu na may street value na P6.8 milyon; isang milyong buy-bust money, isang unit ng Honda Click, at isang Rossi na ginagamit ng tropa sa iligal nilang transaksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.