3 drugmaker bet magsuplay sa ‘Pinas

Tinatarget ng 3 dayuhang drugmaker na makakuha ng emergency use approval para sa kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sabi ni FDA Director General Eric Domingo, nagtanong ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac tungkol sa proseso ng pagkuha ng Emergency Use Authorization (EUA). Paliwanag niya, “Hindi puwedeng sa Pilipinas unang kukuha ng EUA. Kailangan, meron na siyang EUA sa bansang pinagmulan niya o sa iba pang mga mature na regulatory agency.”
Magugunitang ang bakuna ng Sinovac ang prayoridad bilhin ng Pilipinas. Samantala, nagbayad na ang pribadong sektor para sa bakuna ng AstraZeneca nitong Nobyembre. (IS)