Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 empleyado kalaboso sa bawas kilo ng LPG

0 207

Nagbabala ang Cavite Police sa publiko hinggil sa bawas kilo na laman ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) makaraang naaresto ang tatlong mga empleyado ng isang gas refilling company dahil sa aktong pagsasagawa nito bago ito ibenta sa Naic, Cavite.

Kasong paglabag sa Prohibited Acts Involving Petroleum Products ang kinakaharap ng mga naarestong suspek na sina Edwin Cadayong, 48, driver; Abner Chavez, 45, delivery helper; Renz Rowell Salonga, 30, sales agent ng ARAL Merchandizing.

Sa ulat ni PSSgt Richard Atienza ng Naic Municipal Police, dakong alas-dos kamakalawa ng hapon nang naaresto ang mga suspek habang nasa aktong nagre-refill ng gas sa tangke sa tabi ng kalsada sa Brgy Capt. C Nazareno ng naturang bayan.

Ayon kay Atienza, modus operandi ng mga suspek na bawasan ang laman ng gas sa isang tangke at ikakarga sa isa pang tangke na siya nilang ibebenta. Aniya, “Kadalasan, bawas na ng 3 kilo ang laman ng tangke na siya nilang ibinebenta sa kanilang mga costumer kaya nagtataka ang kanilang mga customer kung bakit daw mabilis maubos ang kanilang tangke ng gas. Ito rin ang dahilan kung bakit nagsagawa ng surveillance ang Cavite Police.” (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.