Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 empleyado na-virus, kapitolyo ng Bulacan sinarado

0 329

Ipinag-utos kahapon ni Gov. Daniel Fernando ang isang linggong pansamantalang pagsasara ng pangunahing gusali ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan mula Agosto 10, Lunes hanggang Agosto 14, 2020 matapos na tatlong empleyado ang magpositibo sa COVID-19 dito.

Ang pansamantalang pagsasara ay magbibigay-daan sa disinfection ng bawat tanggapan sa pangunahing gusali ng Kapitolyo at masusing contact tracing sa mga nagkaroon ng exposure upang maputol na ang transmission ng virus.

“This temporary closure is necessary to protect provincial government employees as well as the general public who regularly and continuously visit the Capitol offices for various services,” anang gobernador. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.