Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 estudyante inararo ng truck

0 125

Sugatan ang apat katao, kabilang ang tatlong estudyante, nang araruhin ng 10-wheeler truck ang isang computer shop sa Maharlika Highway sa Ligao City nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat, agad dinala sa ospital ang mga biktima na may edad 15, 14, at 12, gayundin ang 27-anyos na may-ari ng computer shop kung nasaan ang mga estudyante para sa kanilang online class. Batay sa pulisya, galing sa Guinobatan ang Isuzu flatbed truck nang mawala ito ng preno at tuluyang sumalpok sa internet café.

Tukoy na ng mga awtoridad ang driver at kasamahan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.