Abante Tonite Interactive

3 galamay ng ‘Ninja cops’ natapyas

318

Armida Rico

Naaresto ang tatlong umano’y miyembro ng isang drug syndicate, na konektado sa isang local ‘narco politician’ at tinaguriang ‘Ninja Cops’ matapos silang makumpiskahan ng P3.5 million halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) kahapon nang madaling-araw sa Maynila.

Kinilala ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar ang suspek na sina Porferio Pementera ‘alias Jon-Jon’, 39, itinuturong lider ng ‘Pementera Criminal Gang, na sangkot sa pagbebenta ng droga sa Maynila at lungsod Quezon; ang drug runner na si Orlando Naguinlin ‘alyas Lando’, 48 at barangay tanod na si Joseph Dela Cruz, 41, pawang taga-Zone 48, Sampaloc ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Eleazar, alas-12:45 nang madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Apartment sa no. 1817-C Algostro Building, Simoun St., Brgy. 484, Zone 48, Sampaloc, Manila at katuwang nila ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD).

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na poseur buyer ng droga at nang magpositibo ay dito na dinakip ang mga suspek.