Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 galamay ng notoryus gang dinakma sa QC

0 32

Kalaboso ng mga awtoridad ang tatlong sinasabing sub-leader ng Namang Criminal Group matapos na mahulihan ng mga baril, bala at shabu sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Maricel Amante, 27; Ricardo Oquindo, 50; at Kemson Saplic, 29, pawang residente Brgy. Baesa.

Nitong Sabado ng umaga sinilbihan ng search warrant ang mga suspek sa kanilang tahanan.

Agad namang binitbit ng mga pulis ang mga suspek sa presinto matapos na makumpiskahan ng isang kalibre .38 revolver na walang serial number, isang improvised shotgun, ilang bala, limang gramop ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000, isang suppressor, dalawang weighing scale, at mga drug paraphernalia.

Sa imbestigasyon, natuklasang ang mga suspek ay sub-leaders at miyembro ng Namang Criminal Group na sangkot sa bentahan ng loose firearms at pagpapakalat ng ilegal na droga sa Quezon City, Pasig City, at Rizal Province.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act naman ang isasampa laban kay Amante. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.