Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 galamay ng sindikato timbog sa P27M shabu

0 43

Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong miyembro ng isang drug group sa Binangonan, Rizal matapos na mahulihan ng higit P27 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Huwebes, Mayo 5, nang madaling-araw.

Ayon kay Rizal Police Provincial director Colonel Dominic Baccay, nakilala ang mga suspek na sina Aries Apeleña y Eburlas at Dennis Delos Santos y Morallos, kapwa taga-Malabon City, at Mariz Sedaya y Dela Cruz, taga-Binangonan.

Pawang nasa listahan umano ang tatlong suspek ng mga high valued individual kontra ilegal na droga at kabilang sa tinawag na Reyes drug group sa Binangonan.

Inaresto ang tatlong suspek ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Lt. Daniel Solano matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Mahabang Parang

Nahulihan umano ang mga suspek ng apat na kilo at limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng lagpas P27 milyon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Angono custodial facility at kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dinala naman ang mga nasabat na shabu sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.