Abante Tonite Interactive

3 Grade 9 student, 4 pa timbog sa shabu, marijuana

By
94

Pitong katao, kabilang ang tatlong menor de edad na pawang Grade 9 student, ang inaresto ng mga pulis matapos na mahulihan ng shabu at marijuana sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa nang gabi.

Nasa kustodya ng Manila Police District-Station 11, ang mga suspek na sina Caroline Manuel, 34; Myra Naucom, 31, kapwa ng Quezon City; Amy Solero, 32, ng Sampaloc, Maynila; at John Joseph Solon, 18, ng Quiapo, Maynila.

Hindi naman na pinangalanan ang tatlong mga menor de edad na pawang babae at sinasabing mga ampon ng suspek na si Manuel.

Dakong alas-11:20 ng gabi nang ikasa ang buy-bust ng mga ope­ratiba ng Station Drug Enforcement Unit at Gandara Police Community Precinct ng MPD-Station 11 laban sa mga suspek sa isang resto bar sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz.

Nakumpiska sa kanila ang isang maliit na sling bag na nagla­laman umano ng 52 sachet ng shabu, 12 pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang digital weighing scale, P2,400 cash at nabawi rin ang P500 buy-bust money.

Dadalhin sa Department of Social Welfare and Deve­lopment ang tatlong menor de edad habang sasampahan ng kaukulang kaso ang apat pang suspek.