Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 guard mabisa – Victolero

0 107

Clark Smart Giga City – Epektibo ang small-ball, three-guard combo na ginagamit ni Magnolia coach Chito Victolero.

Kita ‘yun nang maghabol mula 22-point down ang Hotshots para agawan ng panalo ang NLEX 103-100 noong Miyerkoles.

Mark Barroca, Paul Lee at Jio Jalalon ang pinagsasabay madalas ni Victolero, may Justin Melton at Chris Banchero pa.

Sina Jalalon at Banchero ang nagmaneho sa comeback ng Hotshots bago pumitik ng 4-point play si Lee sa dulo.

“I use two (point) guards everytime, sometimes three,” lahad ni Victolero “It’s up to my guards how they defend, paano sila makaka-match up … Marami akong guards, makukulit. Bukod sa maingay ‘yan, tinatrabaho din nila.”

Hindi naman sila nadedehado sa height dahil may Ian Sangalang, Rafi Reavis at Aris Dionisio na pamoste, at energizer na si Jackson Corpuz.

“Ian has established himself as one of the best big man in the league,” dagdag ni Victolero. “We have bigs na 6-foot-7, 6-4, may 6-3 guard kung gusto namin malaki.”

Sa 1-1 card, susundan ng Magnolia ang panalo laban sa 0-2 Alaska mamaya alas-7:00 nang gabi. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.