Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 gun runner nabitag

0 95

Nadakma ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Special Operation Group at Quezon City Police District ang tatlong sinasabing miyembro ng gun running syndicate matapos na kumagat ang mga ito sa buy-bust operation sa Quezon City, Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ng NCRPO ang mga nadakip na sina Luis Espenilla Anabi, 40-anyos, residente ng Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan; Rona Castañeda, 38, ng MGV Loma de Gato, Marilao, Bulacan; at Edmundo Salido, 45, nakatira sa Brgy. Minuyan Chalo, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay P/Maj. Arnel Bautista ng NCRPO-RSOG, pasado ala-1:10 kahapon ng madaling-araw nang ikasa ang operasyon sa parking area ng McDonald’s-Belfast Avenue branch sa Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches.

Nagkunwari ang mga pulis na bibili ng baril at nang iabot ang pera ay dito na dinakma ang mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bago ito, tumanggap ng impormasyon ang pulisya sa umano’y iligal na pagbebenta ng mga high powered na baril sa QC ng naturang grupo na pinamumunuan ng alyas ‘Alex’ at ang sentro ng kanilang operasyon ay sa Bulacan, Central Luzon, at Metro Manila.

Nabatid na nasa halagang P160,000 ang binibentang M4 rifle ng grupo habang ang shotgun naman ay P40,000.

Lumalabas na si Castañeda at Salido ang nagbebenta ng mga baril sa mga lawless elements personalities, maging sa umano’y ilang politiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.