Abante Tonite Interactive

3 high school student sa Pangasinan timbog sa ‘tsongki’

By
318

Tatlong high school student ang inaresto matapos magbenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ginawang illegal drug operation sa Bayambang, Pangasinan noong Huwebes nang hapon.

Ang mga inaresto ay pawang Grade 9 at 10 at taga-Barangay Magsaysay, Bayambang ng nasabing lalawigan.

Ayon sa report, ilang estudyante din ang nag-tip sa pulisya tungkol sa tatlong suspek na nagbebenta umano ng marijuana sa ilang mag-aaral sa hindi binanggit na paaralan.

Dahil dito, nagsagawa ng buy-bust operation ang BPS anti-drug unit at inaresto ang mga suspek malapit sa kanilang eskwelahan habang inaabot ang ‘high grade’ marijuana sa isang undercover agent na pulis.

Matagal na umanong nagbebenta ng marijuana ang mga suspek at titingnan nila kung nagbebenta ng shabu ang mga estu­dyanteng nahuli.

Nakakulong sa BPS jail ang tatlong suspek at nakatakdang dalhin sa Social Welfare and Development (DSWD) para sa tamang disposition.