Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 huli sa pekeng pera, droga

0 199

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong lalaki sa ikinasang anti-illegal drugs operation na naging daan din para matukoy ang mga pekeng pera sa magkasunod na operasyon noong Biyernes at kahapon ng madaling araw sa Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ni Manila Police District-Police Station 3 station comdr, P/Colonel John Guiagui ang mga suspek na sina Wilmer Tamayo, 35; Ervin Capiling, 35, at Emilio Mendoza, 43, graphic artist.

Ikinasa ang operasyon ala-1:35 ng madaling araw ng Hulyo 25, sa Buenviaje St. Brgy 391,Quiapo.

Una nang nagsagawa ng buy-bust operation noong Biyernes laban kay Tamayo. Nagkataong bumibili naman ng iligal na droga si Capiling at ang ipinambili umano ay pekeng pera.

Inaresto rin si Capili at kasunod ay isinagawa na ang operasyon laban kay Mendoza na pinagkunan nito ng pekeng pera.

Nasamsam ang pekeng pera at dalawang sachet ng shabu na may halagang P25,092.00.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang computer, printer, at paraphernalias kabilang ang ink at special na papel at ‘uncut’ printed fake bills.

Nabatid na ang P500-bills ay ibinebenta ng tig P100 habang ang P1K bills ay tig-P200. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.