Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 HVI sa Davao nalambat

0 91

INANUNSYO ni Philippine National Police Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na naaresto nila ang tatlong high-value personalities sa kasong illegal drugs sa isinagawang buy-bust operation sa Panabo City, Davao Del Norte.

Sinabi ng Panabo City Police Station, Davao Norte Police Provincial Office, na kasama ang PDEA Davao del Norte sa pagdampot sa drug suspects na sina Ronald Peñalver, Jeremy Dulatre at Joshua Lisen.

Si Peñalver ay sinasabing responsible sa pagpapanatili ng drug den sa anti-criminality operation.

Nakuha ang nasa P88,400 na halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon.

Ang tatlong suspek ay lumabag sa Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.