Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 illegal logger nasabat sa Quezon

0 65

Naharang ng mga awtoridad ang isang truck sa Buenavista, Quezon nitong Linggo na kargado umano ng mga coco lumber na iligal na pinutol.

Ayon sa report, naharang ang isang Isuzu 10-wheeler truck dakong alas-10:30 ng gabi sa isang checkpoint sa naturang bayan.

Bagong putol lang umano ang mga coco lumber at may habang 10,000 board feet at may presyong aabot sa P170,000.

Nang hanapan ng mga ligal na dokumento sa checkpoint ay bigo umanong makapagprisenta ang mga sakay ng trak kaya naman kinumpiska na ng mga pulis ang mga kahoy.

Inaresto rin ang mga sakay ng sasakyan na kinilalang sina Domingo Caingan, Roberto De Villa at Leodegario Santander.

Ayon sa batas, papayagan lamang ang pagputol ng mga coconut tree kung may permit mula sa Philippine Coconut Authority. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.