Abante Tonite Interactive

3 iniligpit ng vigilante sa Caloocan

116

Tatlong katao na umano ay sangkot na naman sa iligal na kalakaran ng ipinagbabawal na gamot ang patay matapos na itumba ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PS/Supt.Johnson Almazan ng Caloocan­ City Police ang mga biktimang napatay na sina Lawrence Bisnan, 41-anyos ng Phase VI, Purok II, Barangay 178, Camarin, Joey Grabe ng Phase 10, Barangay 176, Bagong Silang at Dennis Abartosa, 40-anyos ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ay nakatayo umano si Bisnan sa tapat mismo ng kanilang bahay ganap na alas-tres ng madaling-araw nang hintuan siya ng apat na kalalakihang magkakaangkas ng tig-dalawa sa dalawa ring motorsiklo, doon na nagbababaan ang mga angkas nito na nakasuot lahat ng full face helmet at walang anu-anong pinaputukan siya ng mga ito sa ulo at dibdib, aminado naman ang mga kaanak nito na sangkot sa iligal na kalakaran ng ipinagbabawal na gamot ang napatay.