Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 istasyon ng LRT-2 balik operasyon

0 75

Inanunsyo ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na magbabalik-operasyon na ngayong linggong ito ang tatlong istasyon ng LRT Line 2, na pansamantalang isinara noong 2019 dahil sa sunog na tumupok sa power rectifier ng rail line sa Quezon City.

Ayon kay Cabrera, maaari nang mag-operate ang istasyon sa Santolan, Katipunan at Anonas Stations.

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa sila ng ‘simulation’ upang makakuha ng safety clearance para sa pagbabalik ng kanilang serbisyo.

Oktubre 2019 nang suspendihin ng LRT-2 ang operasyon nang masunog ang power rectifier sa Katipunan area at maputol ang power supply para sa mga tren. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.