Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 kadete sa Dormitorio murder tinanggap na arrest warrant

0 280

Naisilbi na ang arrest warrant laban sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio ayon sa ulat kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The warrant of arrest issued by Presiding Judge Maria Ligaya V. Itliong-Rivera was served to the three accused PMA cadets by the commanding officer of the Military Police Battalion and the designated custodial officer of the AFP Custodial and Detention Center, Army Maj. Evangeline Nualda,” base sa inilabas na ststement kahapon ni AFP spokesperson, Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo.

“The AFP commits “to secure, present and/or deliver the living body of any or all the accused cadets to the proper authorities when so ordered, including pertinent orders or directives from the General Court Martial and the Honorable Court,” paliwanag naman ni Arevalo.

Mula pa noong Enero, nakaditine sa stockade ng Camp Aguinaldo sa Quezon City ang tatlong kadete.

Noong Miyerkules inutos na ng korte ang pag-aresto kina Felix Lumbag Jr., Shalimar Imperial Jr., dahil sa kasong murder at hazing, gayundin si Cadet Julius Carlo Tadena, sa kasong less serious physical injuries, walang piyansang inilaan ang korte sa mga ito.

Pinaaresto rin sina Lt. Col. Ceasar Candelaria, Captain Flor Apple Aapostol at Major Maria Ofelia Beloy na kinasuhan ng murder dahil sa kapabayaan sa pagkamatay ni Dormitorio. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.