Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 kapitan lagot sa mass gathering

0 99

Tatlong barangay captain ang iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa paglabag sa mass gatherings sa kanilang mga hurisdiksyon.

Pinangalanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga kapitan na sina Ireneo Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao; at Franklyn Ong ng Kasambangan, Cebu City.

Kinuwestyon ng kalihim si Cabahug kung bakit nabigo itong ipatupad ang minimum public health standards sa mga turista na nagtungo sa isang beach resort sa Barangay Matabungkay.

SM food to go Banner Ad

Samantala, si Daquioag ay posibleng matanggal sa trabaho matapos siyang dumalo sa isang kasalan at reception sa Barangay San Mariano habang ang kanilang probinsya ay nasa ilalim pa ng modified lockdown o MECQ.

Si Ong naman ay iniimbestigahan dahil sa magkahiwalay na insidente ng paglabag sa physical distancing sa F-bar and Café at Simatra Café sa Barangay Kasambangan.

Ang tatlo ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso, kabilang ang gross neglect of duty, serious misconduct at paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.