Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 katropa buwis-buhay sa nalunod na celebrant

0 106

Nauwi sa trahedya ang dapat sana’y kasiyahan ng anim na magkakaibigan matapos malunod ang apat sa kanila sa karagatan ng Bataraza, Palawan.

Sa ulat, pawang mga 18-anyos ang tatlo samantalang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan.

Sa inisyal na imbestigasyon, kaarawan ng isa mga biktima at napili niyang ipagdiwang ito sa dagat.

Sa lakas ng alon ay natangay ang birthday celebrant sa malalim na bahagi ng dagat. Sinubukan itong sagipin ng tatlong kaibigan ngunit minalas din ang mga itong malunod.

Kahapon ay namataan ang bangkay ng nag-birthday na biktima at isa nitong kaibigan.

Kasunod nito ay lumitaw din ang bangkay ng isa pa habang kasalukuyan pang pinaghahanap ng

ang isa pa sa nawawala nilang tropa. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.