Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 kelot nanloob sa car shop kalaboso

0 102

Tatlong kalalakihan ang binitbit ng Cavite Police makaraang pasukin ang isang tindahan ng mga accessory ng sasakyan at tangayin ang mahigit P40,000 halaga ng motorparts sa Gen. Trias City, Cavite, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Kim Jerus Servida, 34-anyos; Rommel Dolores, 23, at Charlie Castillo, 19, pawang residente ng San Agustin, Dasmarinas City, Cavite dahil sa reklamo ng may-ari na si Genry Roy Rameses, 33.

Sa report ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, nagpapatrolya ang mga operatiba ng mobile patrol sa kahabaan ng Mistral Road, Brgy. San Francisco dakong alas-5:00, kamakalawa ng madaling-araw, kung saan napansin nila ang kakaibang ikinikilos ng tatlo sa loob ng KD Motorworks and Accessories at may inilalagay sa isang puting sako.

Nang arestuhin, nakuha umano mula sa mga suspek ang tinatayang P40,930 halaga ng motorparts accessories na kinumpirma naman ni Rameses.

Nabatid na pinasok ng mga kalalakihan ang nasabing tindahan sa pamagitan ng pagsira ng padlock ng rollup door gamit ang screw bar. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.