Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 komedyante sinuka sa Ilocos Sur

0 362

Pinadedeklara ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson na mga “persona non grata” ang mga komedyanteng sina Robert `Long’ Mejia, Dagul at Gene Padilla dahil sa lantarang paglabag sa pinatutupad na protocol sa kanilang probinsya bilang proteksyon COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng gobernador, hiniling nito sa Sangguniang Panlalawigan na aprubahan ang isang resolusyon para ideklarang “persona non grata”ang mga nasabing komedyante.

Ayon kay Singson, tumanggi ang sina Mejia, Dagul (Romy Pastrana ang tunay na pangalan), at Gene Baldivia o kilala rin bilang Gene Padilla, na sumailalim sa quarantine checkpoint protocol, tinakasan din ang mga bantay na personnel, na pagpapakita aniya ng pagka-arogante at kawalang-galang.

Sabi ni Singson, bilang mga artista dapat sana magpakita ng respeto ang tatlong komedyante sa mga lugar na kanilang binibisita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.