Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 kompanya bistado sa pekeng bakuna

0 363

Isiniwalat ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na tatlong kompanya ang kanilang iniimbestigahan hinggil sa pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Galvez, nakipag-usap na sila sa National Bureau of Investigation at kapulisan para masilip ang tatlong kompanya, na hinid nito pinangalanan, gayundin ang brand ng bakuna na umano’y tinitinda nito.

Hindi naman sinabi ni Galvez ang mga pangalan ng kompanya, gayundin ang mga bakunang pinepeke ng mga ito.

“May tatlo kaming companies na pinaimbestigahan kasi we record check kung saan sila nanggagaling, and we found out na hindi sila authorized ng mother company ng mga vaccine,” lahad ni Galvez.

Saad pa ni Galvez, ino-offer ang mga pekeng bakuna sa mga local government unit kaya inabisuhan ang mga ito na dapat makipag-ugnayan sa kanila sakaling bibili ng bakuna ang mga ito.

“Considering that they misrepresent the companies, we also asked the different companies, manufacturing companies to really police their ranks so we can assure that our dealings will be on top of the table,” saad pa ni Galvez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.