Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 kotong cop panakot drug case, kidnap

0 332

Arestado ang tatlong pulis mula sa Taguig City at Bicol region sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga gumagawa ng katiwalian sa kanilang hanay.

Kinilala si Police Staff Sgt. Carlo Marsaba Sison, na nakatalaga sa Tipas Police Sub-station sa Taguig City sa isinagawang entrapment operation nitong Miyerkoles. Nag-ugat ito sa reklamo ni Jordan Delfin Maxian, na hiningan umano ni Sison ng P15,000 kapalit ng hindi na maisama sa operasyon kontra iligal na droga.

Lingid sa kaalaman ni Sison ay nagsumbong sa awtoridad si Maxian dahilan upang isagawa ang entrapment operation laban sa pulis.

Sa Camalig, Albay naman ay naaresto ang mga suspek na sina Police Staff Sgt. Ernan Marquez Mullasgo at Police Staff Sgt. Gerald Callo Capuz, pawang nakadestino sa Camalig Municipal Police.

Kasama ding naaresto ng mga suspek na pulis sina Melody Quides at Jay Maquez Quides.

Base sa ulat, hinihingan umano ng dalawang pulis ng halagang P2 milyon ang abogadong si Paulino Baclao Fernandez Jr., kapalit ng hindi umano pagkidnap sa mga magulang nito.

Humingi naman ng tulong sa awtoridad ang biktima dahilan upang ikasa ang entrapment operation laban sa mga suspek.

Nadakip ang mga suspek alas-3:40 Martes ng hapon sa loob ng Provincial Engineering Office (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.