Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 laglag sa Marikina buy-bust

0 76

Nalambat ng mga tau­han ng Marikina station drug enforcement unit (SDEU) ang tatlo katao na nagbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer matapos ang ikina­sang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Fortune.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), na­kilala ang mga suspek na sina Lorenz Llaneras, 25-anyos, kabilang umano sa listahan ng drug watch list; Liezle Cruz, 38; at Rebecca Magallanes, 52, pawang mga residente ng Marikina City.

Inaresto ang mga sus­pek bandang alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa Bonanza Phase 3, Brgy. Fortune nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU matapos ang naganap na transaksiyon sa pagitan ng buyer at mga suspek.

Nakumpiska umano mula sa tatlo ang pitong plastic sachet na naglalaman ng 14 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P95,200, at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakaku­long ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.