Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 lang lisensyadong firework firm pasado sa standard – PNP

0 22

Tanging tatlo lang umano sa 35 lisensyadong firework manufacturer sa bansa ang pumasa sa Philippine Standards (PS), ayon sa Philippine National Police.

Sa hearing ng Senado hinggil sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok sa bansa, inamin ito ni Brig. Gen. Rommil Mitra, hepe ng PNP Firearms and Explosives Office.

“Of the 35, tatlo lang sir ‘yung nakapasa sa Philippine Standards. Pero just the same we issued the license because there’s no requirement sir na the manufacturers should,” paliwanag ni Mitra.

Ayon naman kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, bawat manufacturer ay kailangan ng sertipikasyon mula sa Bureau of Philippine Standards. Sa ngayon, may tatlong manufacturer na umano ang may lisensya, pero ay isa ay nag-expire na noong December 2020.

“I understand that they are license retailers also but maybe we can ask them to license only those selling products that are certified by the DTI, Mr. Chair,” sabi pa ni Castelo.

Paalala naman ni Senador sa Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa PNP, na magbigay ng lisensya sa mga firework manufacturer kung may PS certificate ito, “Huwag kayong issue ng issue ng permits na outside dun sa standards kasi batas ‘yun.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.