Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 laro kada araw sa PVL Bubble

0 152

NGAYONG tuloy na ang Premier Volleyball League (PVL) bubble tournament, mataas ang tsansa na lumawit ang dila at hingalin ang mga balibolista nang ianunsiyo ni PVL President Ricky Palou na magsasagawa sila ng tatlong laro bawat araw.

Palinawag kasi ni Palou, kailangan nilang matapos ang bubble tournament sa loob lamang ng pito hanggang waling linggo kaya napilitan silang mag-iskedyul ng tatlong laro kada araw.

“We decided to make it three games a day so that to cut this tournament a bit shorter,” pahayag ni Ricky sa Power & Play ni host Noli Eala nitong Sabado.

“This conference we’re looking at, it’ll last about maybe seven to eight weeks. As you know there are gonna be 12 teams in a single round robin. We are looking at anywhere from seven to eight weeks for this first conference.”

Inaasahang papalo ang liga sa huling linggo ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.

Nabatid sa ilang ulat na pinayagan nang magsagawa ng team practice ang ilang mga koponan gaya ng Creamline Cool Smashers, Choco Mucho Flying Titans, Perlas Spikers at iba pa. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.