Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 LGU sa Central Luzon pinarangalan

0 111

Kinilala ang San Fernando City, Pampanga bilang isa sa tatlong local government units (LGU’s) sa Central Luzon bilang most improved pagdating sa environmental health service.

Ang anunsyo ay ginawa nitong nakalipas na Biyernes sa pamamagitan ng digital conference na pinamunuan ng Department of Health (DOH) kasabay ng World Environmental Health Day.

Bukod sa San Fernando City, kinilala din ang LGU ng Tarlac City at bayan ng Talavera sa Nueva Ecija sa nasabing parangal.

Ang mga nasabing lungsod at bayan ay hinirang bilang Most Improved Local Government Unit pagdating sa Environmental Health Services dahil sa pagpapabuti nila ng kanilang water supply, sanitation services, food safety, governance at health promotion, gayundin ang overall hygiene ng komunidad.

Tumanggap naman ang tatlong LGU’s ng tig P100,000 kada isa dahil sa kanilang environmental health programs. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.