Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

0 57

Sa nakalipas na 24 oras kahapon, nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng tatlong lindol sa Mt. Kanlaon.

Sa bulletin ng Phivolcs kahapon, nagpakawala ang bulkan ng katamtamang usok na umabot sa 400 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 587 tonelada kada araw noong Pebero 17.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa abnormal pa rin itong kondisyon.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone ng Kanlaon dahil posible pa rin anilang sumabog ang bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.