Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 local official pasaway sa quarantine tinuluyan ng DILG

0 374

Sinampahan na ng administrative case ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang tatlong lokal na opisyal dahil sa pagsuway nito sa mga protocol ng enhanced community quarantine (ECQ) sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, dalawang kaso na ang nasa Ombudsman laban sa isang alkalde at konsehal sa Sto. Tomas, Pangasinan dahil sa sinagawa nitong birthday party na hindi nakasunod sa ipinaguutos na pagbabawal sa mass gathering at itinakdang curfew.

Ang isa pang kinasuhan ay alkalde ng Buluan, Maguindanao nang hindi ipinagbawal ang mass gathering sa kanilang nasasakupan. Hindi nakatanggap ng kahit anong tugon ang Kagawaran sa show cause order na ipinalabas ng DILG. Dahil dito, napapawalang bisa ang karapatan ng lokal na opisyal para sumagot sa nasabing show cause order.

Nagbabala din ang DILG sa 3 alkalde mula sa Central Luzon, Western Visayas, at, locos Region dahil sa mga paglabag din nito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.