Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 lugar sumirit sa 51 degrees Celsius init

0 306

Tatlong lugar sa bansa ang nakaramdam ng heat index na 50°C nitong Martes, base sa Pagasa.

Nauna sa listahan ang Dagupan City sa Pangasinan kung saan 51 °C ang naitala ng ahensya dakong alas-2:00 ng hapon kahapon.

Sinundan ng Aparri, Cagayan at Sangley Point sa Cavite na parehas nakaramdam ng heat index na 50°C.

Samantala, ang pinakamainit na parte naman ng Metro Manila ay ang NAIA sa Pasay na nakaranas ng 46°C.

Ang heat index na mas 41°C pataas ay delikado ayon sa Pagasa dahil posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga taong mabababad sa init. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.