Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 mag-BFF bonding sa selda

0 38

Hanggang kulungan, magkakasama pa rin ang magkakaibigang babae nang maaresto sa isang buy-bust ope­ration sa Cavite City, Lunes ng gabi.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakaharap ng mga naarestong suspek na sina Ronnabel Babar alyas ‘Bell’, 31-anyos; Jomarlin Bartolome alyas ‘Ninay’, 33, at Jolai Dela Cruz, 27, pawang residente ng Cavite City.

Sa ulat ni Corporal Jumar Bedural ng Cavite City Police Station, dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi, nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Cavite CPS sa Brgy. 24, Cavite City.

SM food to go Banner Ad

Matapos makipagtransaksiyon ang tatlo sa poseur buyer, magkakasama silang pinosasan at narekober umano ang sachet ng shabu, isang kulay itim na pouch kung saan inilagay ang droga at buy-bust money.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Cavite Custodial Center. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.